Thursday, 15 October 2015





Paciano Rizal

               Si Pacaiano Rizal ang kapatid ng pambansangbayaning si Jose Rizal at isang heneral noong panahon ng himagsikan.  Ipinanganak si Paciano sa Calamba noong ika-7 ng Marso 1851 bilang pangalawang anak nina Don Francisco Mercado at Doña Teodora Alonzo. Marami ang nagsasabi na si Paciano ay isang tao ng matapat at may matatag na paninindigang tumupad sa kanyang mithiin.
Dahil sa kanyang naiambag sa paghubog ng katauhan ni Jose Rizal, naniniwala ang ilang historyador na "walang Jose kung walang Paciano." Si Paciano ang nagbigay ng materyal na suporta kay Jose sa kanya ng pag-aaral sa Europa. Ang mga pangaral ni Paciano ang naging sandigan ni Rizal upang siya ay maging matatag.

Matapos ang pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan, kaagad na tumungo si Paciano sa Cavite upang umanib sa rebolusyunaryong kilusan at dito'y ginawaran siya ng ranggong heneral. Maraming mga pakikihamok ang kanyang pinamunuan at pinagwagian laban sa mga puwersang Kastila. Mayroon siyang angking katauhang gaya ng mga kilalang bayani sa kasaysayan ng Pilipinas. Nag-alay siya ng talino at lakas sa isang maningning na hangarin.

No comments:

Post a Comment