Si Segunda Catigbac ang unang pagibig ni Rizal. Nakilala ni Rizal si Segunda sa maynila sa bahay ng kanyang lola. Ang unang pagtatagpo nila ay hiniling ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na kanyang naman pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan. Pero pinipiglan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil ito ay naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz.
Noong ikalawang taon ni Rizal sa UST ay nakilala niya si Leonor Valenzuela na anak nina Kapitan Juan at ni Kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang magkaibigan.
Ang isang Leonor sa buhay ni Rizal. Si Leonor Rivera, nagtagpo ang landas ni Rizal at ni Leonor nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Matagal nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si Rizal sa Madrid.
Si Seiko Usui. Nagsimula ang pag-iibigan nila nang humanga si Seiko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang niponggo ay pinipilit niya para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang pranses at ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit mas nanaig ang misyon niya na pagpapalaya sa Pilipinas.
Nellie Bousted isang babaeng maganda, matalinom mahinahin, may mataas na moralidad at totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie na magpakasal. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal at ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto naman ni Nellie.
Huli sa lahat si Josephine Bracken. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. Pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpaksal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer. Nang bumalik si Taufer sa Hong kong, nagpaksal si Rizal at si Josephine.
No comments:
Post a Comment