Paciano
Rizal
Si Pacaiano Rizal ang kapatid ng
pambansangbayaning si Jose Rizal at isang heneral noong panahon ng himagsikan. Ipinanganak si Paciano sa Calamba noong ika-7 ng
Marso 1851 bilang pangalawang anak nina Don Francisco Mercado at Doña Teodora
Alonzo. Marami ang nagsasabi na si Paciano ay isang tao ng matapat at may
matatag na paninindigang tumupad sa kanyang mithiin.
Dahil sa kanyang naiambag sa paghubog
ng katauhan ni Jose Rizal, naniniwala ang ilang historyador na "walang Jose
kung walang Paciano." Si Paciano ang nagbigay ng materyal na suporta kay Jose
sa kanya ng pag-aaral sa Europa. Ang mga pangaral ni Paciano ang naging sandigan ni Rizal
upang siya ay maging matatag.
Matapos ang pagbaril
kay Rizal sa Bagumbayan, kaagad na tumungo si Paciano sa Cavite
upang umanib sa rebolusyunaryong kilusan at dito'y ginawaran siya ng ranggong heneral.
Maraming mga pakikihamok ang kanyang pinamunuan at
pinagwagian laban sa mga puwersang Kastila. Mayroon siyang angking katauhang gaya ng
mga kilalang bayani sa kasaysayan ng Pilipinas. Nag-alay siya ng talino at
lakas sa isang maningning na hangarin.